I survived- barely..
I survived two days without dj.. Whew! Pero mahirap.. Miss ko na itong friend ko na ito. Pero siyempre dapat nating intindihin ang desisyon ng iba, lalo na kung sa ikabubuti nila di ba? Pero nasasad pa rin ako dahil etong si dj ang nag papasaya sa min sa office. He is the funniest and one of the kindest persons I've ever known. Sabe ko nga eh siya ang standard ko ng kaibigan.
Kahapon, monday-- first day without dj, nagpunta ako sa area nya at naiyak kasi nga wala na siya sa area nya-- obviously! Arte ko lang di ba?! Malinis na yung area. At hindi ako nakapag emote nung friday sa kabusyhan, na pa emote tuloy ako kahapon. Sabe ng isang teammate/officemate ko nung nakita nya ako umiiyak-- "andito pa naman ako"... But dude, you don't understand. You don't get it eh. Naiiyak ako dahil wala na yung presence ni dj. Wala yung maya't mayang pag papatawa nya, wala yung kwentuhan, tsismisan. Dude-- nobody can fill that gap-- si Dj lang. Naks!! Pero it's true. If only I could turn back time.. I MISS YOU DJ.. more than words can say!