Manok o Itlog?
Ano ang nauna—manok o itlog?
May sagot na diyan, nabasa ko sa Reader’s Digest. Pero bago pa lumabas ang pag aaral tungkol diyan may sarili na akong minamanok na sagot!
Para sa akin, Manok ang nauna! Bakit? Logic lang, ano nauna baby o adult person? O kaya, fetus o mommy? Malamang yung adult person at mommy hindi ba? At si God, ang una niyang ginawa ay man, tapos woman! Hindi naman baby di ba? So yun, medyo on the religious side at Holy Bible ang basis ng sagot ko.
At ano naman ang sagot according to Reader’s Digest?
Tama ako siyempre, MANOK! In English—CHICKEN!
Why? Dahil sabe ng mga henyong tagasaliksik sa Universities of Sheffield and Warwick in UK—yung protein daw na ang tawag ay ovocledidin-17 (OC-1 ), na siyang responsable sa pagpoproduce at pagbuo ng eggshell, ay mahahanap lang sa obaryo ng isang inahin! Tarush!! That means, kung walang inahin, walang itlog!!! GraVeh na yan! Eto na yung science side! Galing! Nasolve na with evidence pa ang isang napakatagal ng riddle. Grade one palang ako palaisipan na yan. Panahon pa siguro ni Mahoma, pinagtatalunan na yan! Buti naman at may nag aksaya ng panahon para masagot ang tanong na iyan! Because of that-- the world is a much better place na! Hehehe!
